17 sports event inilatag sa 2010 Palaro

MANILA, Philippines - Magkakaroon na naman ng mga susunod na Olympians ka­gaya nina Eric Buhain, Lydia de Vega-Mercado, Elma Muros, Mansueto “Onyok” Velasco, Jr. at Tshomlee Go.

Humigit-kumulang sa 6,000 student athletes mula sa ele­men­tarya at sekondarya ang ina­asahang lalahok sa 53rd Palarong Pambansa sa Abril 11 hanggang 17 sa Tarlac Recrea­tional Park sa San Jose.

Ang nasabing sports meet ay pamamahalaan ng Department of Education (DepEd) ka­tuwang ang Tarlac Provincial Government.

Kabuuang 17 sports events ang nakalatag sa 2010 Palarong Pambansa na binubuo ng archery, arnis, athletics, bad­minton, baseball, basketball, boxing, chess, football, art­istic gymnastics, rhythmic gym­nastics, sepak takraw, soft­ball, swimming, table tennis, taekwondo at tennis.

Ang mga delegasyon ay manggagaling sa Central Luzon, Northern Luzon, South Luzon at National Capital Region (NCR).

Umaasa si DepEd Secretary Jesli Lapus na magiging mataas ang antas ng kompetis­yon ngayong 2010 edisyon ng Palarong Pambansa. 

Inaasahang magiging mahigpit ang labanan ng mga mag-aaral sa meet na ito na ilang taon ding hindi naidaos.

Show comments