^

PSN Palaro

Montiel nangakong hindi na mapapahiya kay Morales

-

MANILA, Philippines - Kung mayroon mang gustong pagbalingan ng kanyang galit si Mexican world three-time champion Fernando “Cochulito” Montiel, ito ay si Filipino challenger Ciso “Kid Terrible” Morales.

Bago itaya ang kanyang suot na World Boxing Organization (WBO) bantamweight title laban kay Morales, nanggaling muna si Montiel sa isang third-round technical draw kay Mexican Alejandro Valdez noong Setyembre 14.  

Nangako ang 30-anyos na si Montiel na hindi na siya mapapahiya sa kanyang laban sa 22-anyos na si Morales sa “Pinoy Po­wer 3/Latin Fury 13” sa Pebrero 13 sa Las Vegas Hilton sa Las Vegas, Nevada.

“I know that I have prepared as well as I can and that not only will I win the fight I will do it in a spectacular fashion,” wika ni Montiel kay Morales.

Ibabandera ni Montiel ang kanyang 39-2-2 win-loss-draw ring record ka­sama ang 29 KOs, habang taglay naman ni Morales ang 14-0-0 (8 KOs) slate.

“I just haven’t had the chance to fight some of the best fighters in my division and that has not been my fault. I have always wanted to fight the best and I hope I get the chance to fight guys like Nonito Donaire, and Vic Darchinyan,” ani Montiel.

Nasa boxing card rin ang pagdedepensa ni Nonito “The Filipino Flash” Donaire, Jr. (22-1, 14 KOs) ng kanyang World Boxing Association (WBA) in­terim super flyweight crown laban kay Mexican challenger Gerson Guerrero (34-8, 26 KOs).

Maghaharap naman si­na world two-division ti­tlist Gerry “Fearless” Peñalosa (54-7-2, 36 KOs) at dating WBA flyweight champion Eric Morel (41-2-0, 21 KOs) para sa title eliminator ng WBO bantamweight belt.

Ang mananalo sa pa­gitan nina Peñalosa at Mo­rel ang sasagupa sa ma­nanaig kina Montiel at Morales.  (RCadayona)

ERIC MOREL

FILIPINO FLASH

GERSON GUERRERO

KID TERRIBLE

LAS VEGAS

LAS VEGAS HILTON

LATIN FURY

MONTIEL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with