^

PSN Palaro

Letran top seed sa semis ng NCAA beach volley

-

MANILA, Philippines - Mula sa pagbibida nina Warren Pirante at Erickson Ramos, dinomina ng nagdedepensang Knights ang elimination round ng 85th NCAA beach volley tournament.

Ikinasa ng Letran College ang matayog na 7-0 rekord makaraang igupo nina Pirante at Ramos ang tambalan nina Jay dela Cruz at Ralph Savellano ng University of Perpetual Help, 18-21, 21-16, 17-15, upang umabante sa semifinal round kahapon sa Cantada Sports Center sa Taguig City.

Ang nasabing tagumpay ang nagbigay sa Knights ng No. 1 seat sa Final Four.

Kagaya ng Letran, pumasok rin sa semis ang San Beda College makaraang talunin nina Evan Larava at James Lorca sina Jourdan Rousell at Kevin Lim ng College of St. Benilde, 21-9, 21-16.

Nagkarga ang Red Lions ng 5-1 baraha sa ilalim ng Knights.

Sa women’s division, bumangon sina Keshia de Luna at April Ann Sartin ng Perpetual mula sa kanilang first-set loss upang igupo sina Margarita Pepito at Russel Jalbuna ng San Sebastian College-Recoletos, 14-21, 21-13, 17-15.

Humataw rin ng panalo sina Giza Yumang at LC Quemada ng St. Benilde nang sibakin sina Marjanette Echando at Marites Sta. Ana ng Arellano, 21-14, 21-11.

Sa iba pang laro, pinahiya ng Letran ang San Beda, 21-8, 21-6, ha­bang tinalo ng Arellano ang Mapua, 19-21, 25-15, 15-5.

Samantala, kinilala na ng NCAA Policy Board ang Arellano at Emilio Aguinaldo College bilang probationary members para sa 86th NCAA season ngayong taon. (Russell Cadayona)

APRIL ANN SARTIN

ARELLANO

CANTADA SPORTS CENTER

COLLEGE OF ST. BENILDE

EMILIO AGUINALDO COLLEGE

ERICKSON RAMOS

EVAN LARAVA

FINAL FOUR

GIZA YUMANG

JAMES LORCA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with