Panalo nakawala sa mga kamay ni So, nalaglag sa 4th hanggang 5th place
WIJK AAN ZEE, Netherlands --Mula sa isang ‘blunder’ sa krusyal na bahagi ng laban, natalo si Filipino Grand Master Wesley So kay GM Anish Giri ng Netherlands sa 11th round ng Corus chess tournament dito sa De Moriane Comunity Centre.
Sinamantala ng 15-anyos na si Giri ang naturang pagkakamali ng 16-anyos na si So upang iposte ang kanyang malinis na 8.0 points at patuloy na pangunahan ang naturang category-16 tournament.
Nagkamali si So sa kanyang pagsusulong sa kanyang knight sa e2 sa kanyang 36th move kasunod ang checkmate ni Giri gamit ang isang rook at queen sa dalawang moves.
Nasa ilalim ni Giri sina GM Ni Hua ng China at GM Erwin l’Ami ng the Netherlands kasunod si GM Pentala Harikrishna ng India.
Ang nasabing kabiguan naman kay Giri ang naglaglag kay So sa fourth hanggang fifth places kasalo si top seed GM Arkadij Naiditsch ng Germany.
“Until that unfortunate giveaway, So was clearly the better player in this game. It’s probably a blessing that he sees the consequence of unnecessary blitzing while he’s winning. If he keeps this lesson in mind, he will dominate Giri for the rest of their chess careers,” wika ng isang chess analyst. Upang maungusan si Giri, kailangan ni So na ipanalo ang kanyang huling dalawang laro.
May 6.5 points ngayon si So kagaya ni Naiditsch sa ilalim nina Giri (8.0) at 7.0 points nina Ni at l’Ami.
- Latest
- Trending