Clottey problemado pa rin sa US visa ni Kotey
MANILA, Philippines - Habang tumatagal ay lalong hindi mapakali si challenger Joshua Clottey ng Ghana.
Ito ay hindi dahil sa kanyang pagkasabik na makasagupa si Filipino world seven-division champion Manny Pacquiao, kundi dahil sa patuloy na pagkakait ng US Embassy sa Ghana na bigyan ng visa ang kanyang chief trainer na si Godwin Dzanie Kotey.
Sa panayam kahapon ng Ghana Web, sinabi ng 32-anyos na challenger na labis siyang nalulungkot sa panggigipit na ginagawa ng US Embassy kay Kotey.
“I am so disappointed because this is the reason why I came down to Ghana and the money I spent to buy plane ticket and time wasted have been useless,” ani Clottey. “It is so disappointing and I don’t even know what to say.”
Pumasok na rin sa eksena ang National Sports Council at ang Sports Ministry of Ghana para matulungan sina Clottey at Kotey.
“I am disappointed in the US Embassy because now I have to go and do this difficult job with people I don’t know. Now everything is on only me, I have to do it all on my own so I have to be at my best,” wika ni Clottey.
Nakatakdang hamunin ni Clottey si Pacquiao para sa suot nitong World Boxing Organization (WBO) welterweight crown sa Marso 13 sa Cowboys Stadium sa Arlington, Texas.
Kasalukuyan nang nagsasanay si Pacquiao sa Wildcard Gym ni Freddie Roach sa Hollywood, California.
Sa isang ulat, sinasabing binugbog ng 31-anyos na si Pacquiao ang light middleweight fighter na si Bryan Brooks sa four rounds ng kanilang sparring sa Wild Card Gym.
Maliban kay Brooks, sinasabing magiging 40-anyos sa Setyembre, ang iba pang nasa listahan ni Roach ay sina Shawn Bradley, tinulungan si Pacquiao sa paghahanda laban kay Miguel Cotto noong Nobyembre, at Amir Khan.
Ayon naman kay Clottey, nakabase ngayon sa Bronx, New York City, nasa maganda na siyang kondisyon ngayon.
“I am in good shape and I am enjoying myself in training and I must say I am very ready for the fight even if its today,” ani Clottey. “But I need my coach there with me, I need him.”
- Latest
- Trending