Serena papalo sa Aussie Open finals

MELBOURNE, Australia--Umusad si Serena Williams sa kanyang ikalimang Australian Open final nang wakasan nito ang anumang tsansa para sa all-Chinese championship match sa season’s first major.

Nagsayang muna si Williams ng apat na match points bago niya tinapos ang kalabang si Li Na sa iskor na 7-6 (4), 7-6 (1) sa kanilang semifinal match nitong Huwebes, isang araw matapos na ang kanyang kapatid na si Venus ay matalo sa Chinese player sa quarterfinals.

“I really should have won sooner...I had so many match points and I blew it and I knew I couldn’t mess up my serve because she never gives up,” wika ni Williams.

Matapos na manalo ng kanyang ika-50th career singles match sa Melbourne Park nakipag-tambal naman si Sere­na kay Venus para sa doubles semifinal kinahapunan.

Sa unang pagkakataon ang China ay nagkaroon ng dalawang manlalaro sa semis sa nasabing major.

Sasagupain ni Zheng Jie sa isa pang semis match ang seven-time Grand Slam winner na si Justine Henin.

Show comments