^

PSN Palaro

Bughanoy, Barr nanguna sa pagpasok ng Davao sa semis

-

PUERTO PRINCESA CITY, Philippines -- Nagposte sina Jolan Bughanoy at Mark Anthony Barr ng impresibong panalo upang banderahan ang Davao del Norte sa pagpasok sa semifinals ng 2010 Smart ABAP National Amateur Boxing Championship nitong Miyerkules ng gabi sa Puerto Princesa Coliseum dito.

Tinalo ng 18-anyos na si Bughanoy, reigning Palarong Pambansa champion, ang mahigpit na karibal na si Raymund Jhon Tabugon ng Misamis Oriental via referee-stopped-contest sa quarterfinals ng kanilang youth boys’ flyweight match.

 Samantala, umiskor naman si Barr ng impresibong 21-8 panalo laban kay Espiridion Pubadora sa junior boys pinweight division upang tulungan ang Davao del Norte sa kanilang kampanya para sa overall championship matapos na kumawala sa kanila ito noong nakaraang taong edisyon sa Bacolod City.

 Nananatiling angat ang Davao del Norte sa tournament ma­tapos na ang 11 mula sa kanilang 16 entries ay umentra sa se­mifinals habang ang Misamis ay mayroong pitong kalahok sa medal round.

Hindi rin nagpahuli ang Bago City, Puerto Princesa A at Palawan sa limang araw na torneo matapos na magpasok ng kani-kanilang limang boksingero sa semis.

Magsisimula ang aksyon sa semis nitong Huwebes ng gabi kung saan nasabay ito sa pagbubukas ng hostilidad para sa girls’ division.

BACOLOD CITY

BAGO CITY

DAVAO

ESPIRIDION PUBADORA

JOLAN BUGHANOY

MARK ANTHONY BARR

MISAMIS ORIENTAL

NATIONAL AMATEUR BOXING CHAMPIONSHIP

NORTE

PALARONG PAMBANSA

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with