^

PSN Palaro

'Gintong Kamao' 'di aatrasan si Nuñez

-

MANILA, Philippines - Ito na ang pagkakataon na pinakahihintay ni Filipino su­per flyweight Drian “Gintong Kamao” Francisco.

Nakatakdang sagupain ni Francsico si Ricardo Nuñez ng Panama sa isang title eliminator para sa World Boxing Associa­tion (WBA) super flyweight crown sa Marso 14 sa Araneta Coliseum.

Tiniyak ni WBA president Gilberto Mendoza sa kampo nina Fracisco at Nuñez na ang mananalo sa naturang title eli­­mi­nator ang siyang hahamon kay WBA super flyweight champion Nobou Nashiro ng Japan.

Nanggaling ang tubong Sablayan, Occidental Mindoro sa isang tenth-round TKO victory laban kay dating two-time world titlist Roberto Vasquez ng Panama noong Oktubre sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Kasalukuyang tangan ng 27-anyos na si Francisco ang 18-0-1 win-loss-draw ring record kasama ang 14 KOs, habang dala naman ng 22-anyos na si Nunez ang 17-1-0 (15 KOs) slate.

Si Francisco ang kasaluku­yang World Boxing Organization (WBO) Asia-Pacific flyweight king

Ang tubong Panama City namang si Nuñez ang No.l challenger sa World Boxing Council (WBC) super flyweight division na patuloy na hinahawakan ni Armenian Vic “The Raging Bull” Darchinyan. (RCadayona)

vuukle comment

ARANETA COLISEUM

ARMENIAN VIC

CUNETA ASTRODOME

GILBERTO MENDOZA

GINTONG KAMAO

NOBOU NASHIRO

OCCIDENTAL MINDORO

PANAMA CITY

PASAY CITY

RAGING BULL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with