^

PSN Palaro

Venus dinispatsa ni Li sa Australian Open

-

MELBOURNE, Australia--Isang service game na lamang ang kailangan ni Venus Williams upang maselyuhan ang kanyang inaasam na sisters semifinal showdown sa Australian Open, subalit nagkulapso siya dahil sa mga errors na naging tulay upang masilat siya ng No. 16 na si Lina ng China.

Nakarating si Li sa Grand Slam semifinals sa unang pagkaka­taon sa pagposte ng 2-6, 7-6 (4), 7-5 panalo sa quarterfinal nitong Miyerkules, na naghatid sa China ng dalawang manlalaro nito na pumasok sa last four ng tennis major sa unang pagkakataon.

Lalaro naman si Zheng Jie sa semifinals katunggali ang dating No. 1-ranked na si Justine Henin sa isang semis match.

At ng tumira na ang seven-time major winner ng kanyang serbisyo sa laban kung saan ang iskor ay 5-4 sa second set, nagawang basagin ito ni Li at at naitulak ang laban sa dominanteng tiebreaker laban sa dating No. 1-ranked American.

At sa deciding set, nagawang buksan ni Williams ang natu­rang set kung saan tumira ito ng anim na magkakasunod na service breaks hanggang sa nagawa siyang pigilan ni Li at naitabla ang iskor sa 4-4 all. dito muli niyang nabasag ang serbisyo ni Williams at nabigyan naman siya ng tsansa para sa kanyang ser­bisyo pero hindi man lamang siya nakapagkunekta ng iskor.

At sa pagbabalik ng serbisyo kay Williams, natalo naman ito ng apat na sunod na puntos mula sa kanyang sariling serbisyo ang nagbigay naman kay Li ng second chance para makapag-serbisyo at inilatag ang 6-5 iskor. At dito na nagsimulang manalasa si Li na gumawa ng magkasunod na forehand winners down the line para sa kanyang panalo.

vuukle comment

AUSTRALIAN OPEN

GRAND SLAM

ISANG

JUSTINE HENIN

KANYANG

LALARO

MIYERKULES

NAKARATING

VENUS WILLIAMS

ZHENG JIE

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with