Ex-pros, late rookie applicants puwede pang humabol sa PBL Draft ngayon
MANILA, Philippines - May pagkakataon lamang ang mga ex-pros at late rookie applicants na hanggang ala-1 ng hapon ngayon upang makapagpatala para sa second draft ng PBL PG Flex UK Derm Open Conference.
Ang naturang draft, ayon kay PBL Executive Director Butch Maniego ay magsisimula ng alas-2 ng hapon sa The Old Spaghetti House, ground floor sa Forum Robinson’s sa may EDSA corner Pioneer St.
“We will give them time to file their application,” ani Maniego.
Kabilang sa mga bagong koponan ang Excel Roof, Agri Nurture, Inc. at Fern C ang tatlo sa apat na bagong teams na inaasahang magpapakita ng aksyon sa PBL-season-opening tournament na nakatakda sa Pebrero 13.
Ang tatlong nabanggit ay makakasama ng Pharex at Cobra Energy Drink.
Nag-leave of absent naman ang Harbour Centre, may hawak na record na pitong sunod na kampeonato bunga ng kanilang commitment sa ASEAN Basketball League (ABL).
Ipakikilala naman ng Pascual Laboratories ang Ascof Lagundi bilang kanilang primary team, habang muling bubuhayin ng Asia Brewery ang kasaysayan ng Tanduay brand bilang kanilang second unit, ang nasabi ring koponan ang siyang nagdomina sa liga sa huling bahagi ng dekada 90s.
Nagwagi ang Tanduay-Stag ng Asia Brewery ng pitong korona, kabilang ang limang sunod sa panahon ng kanilang dominasyon.
Isa pang koponan na bubuuin ng mga manlalaro ng Adamson Falcons UAAP team ang kasalukuyang pang nakikipagnegosasyon para sa kanilang pagsali sa liga.
- Latest
- Trending