^

PSN Palaro

2nd Draft idaraos ng PBL ngayon

-

MANILA, Philippines - Nakatakdang magdaos ang Philippine Basketball League (PBL) ng kanilang 2nd Draft bukas para sa season-opening tournament sa Pebrero 13.

Ito ang sinabi ni PBL Exe­cutive Director Butch Maniego matapos ang pulong sa pagitan ng mga team owners.

Ang second draft ay idaraos sa Old Spaghetti House sa Robinson’s (Pioneer branch).

“Some ex-pros who are not yet over the age limit are still allowed to play in the league,” wika ni PBL Commissioner Chi­no Trinidad.

Ang limang natirang kopo­nan ay magkakaroon ng ‘protect 12’, dagdag ni Trinidad.

“With at least eight teams competing, we are certain we can give collegiate players the venue and time they needed to toughen themselves for the coming collegiate season,” sabi ni Trinidad.

Kung kailangan pa ng mga tropa ng players matapos ang draft, isang callback camp ang maaaring gawin bago matapos ang linggo para sa mga PBL free agents.

COMMISSIONER CHI

DIRECTOR BUTCH MANIEGO

DRAFT

MATAPOS

NAKATAKDANG

OLD SPAGHETTI HOUSE

PBL

PEBRERO

PHILIPPINE BASKETBALL LEAGUE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with