WIJK AAN ZEE, Netherlands--Isa na namang draw ang nahatak ni Filipino Grand Master Wesley So sa eight round ng 72nd Corus chess tournament sa De Moriaan Community Centre.
Nagkasundo sa draw sina So at GM Ni Hua ng China matapos ang 17 moves ng Sicilian Maroczy Bind.
“The players have played the Rossolimo variation of the Sicilian before in 2006 during the President Gloria Macapagal Arroyo Cup which ended in a draw. But the Chinese transposed it to a Maroczy Bind structure, which offers more positional approach to restrict black’s counterplay,” paliwanag ni Filipino GM Bong Villamayor sa naturang laban.
Nakatabla si So sa second hanggang fourth places kasama si GM Erwin l’ Ami ng Netherlands mula sa magkapareho nilang 5.0 points.
Patuloy naman sa pangunguna ang 15-anyos na si GM Anish Giri ng the Netherlands mula sa kanyang 6.5 points matapos igupo si GM David Howell ng England sa 40 moves ng Gruendfeld.
Kapwa may hawak sina Go at Ni ng isang queen, dalawang rooks, dalawang knights, isang bishop at pitong pawns patungo sa kanilang draw.
Tinalo na ni So si Ni sa Philippines-China match sa 2008 World Chess Olympiad na ginanap sa Dresden, Germany.
Susunod na makakatapat ni So si fifth seed GM Emil Sutovksy ng Israel.