^

PSN Palaro

So, Chinese GM naghati sa puntos

-

WIJK AAN ZEE, Ne­­therlands--Isa na namang draw ang nahatak ni Filipino Grand Master Wesley So sa eight round ng 72nd Corus chess tournament sa De Moriaan Community Centre.

Nagkasundo sa draw sina So at GM Ni Hua ng China matapos ang 17 moves ng Sicilian Maroc­zy Bind.

“The players have pla­yed the Rossolimo variation of the Sicilian before in 2006 during the President Gloria Macapagal Arroyo Cup which ended in a draw. But the Chinese   transposed it to a Maroczy Bind structure, which offers more positional approach to restrict black’s counterplay,” paliwanag ni Filipino GM Bong Villamayor sa naturang laban.

Nakatabla si So sa se­cond hanggang fourth places kasama si GM Er­win l’ Ami ng Netherlands mula sa magkapareho nilang 5.0 points.

Patuloy naman sa pa­ngu­nguna ang 15-anyos na si GM Anish Giri ng the Netherlands mula sa kanyang 6.5 points matapos igupo si GM David Howell ng England sa 40 moves ng Gruendfeld.

Kapwa may hawak sina Go at Ni ng isang queen, dalawang rooks, dalawang knights, isang bishop at pitong pawns patungo sa kanilang draw.

Tinalo na ni So si Ni sa Philippines-China match sa 2008 World Chess Olympiad na ginanap sa Dresden, Germany.

Susunod na makaka­ta­pat ni So si fifth seed GM Emil Sutovksy ng Israel.

vuukle comment

ANISH GIRI

BONG VILLAMAYOR

DAVID HOWELL

DE MORIAAN COMMUNITY CENTRE

EMIL SUTOVKSY

FILIPINO GRAND MASTER WESLEY SO

MAROCZY BIND

NI HUA

PRESIDENT GLORIA MACAPAGAL ARROYO CUP

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with