MANILA, Philippines - Maaring talunin ang mga Asian powerhouses na China at Iran.
Ito ang pahayag ni Smart Gilas Pilipinas’ Serbian Rajko Toroman matapos ang kanilang pagdating mula Dubai kung saan nila nakuha ang third place trophy sa 21st Dubai Invitational.
“The teams we played in this tournament are tougher than China. As for Iran, Jackson Vroman, their import in Dubai, will not play for them in the Asian Games,” ani Toroman.
Sa kabila ng paglalaro bilang All-Filipino, inangkin pa rin ng Nationals ang naturang tropeo sa torneong tinampukan ng World Championship-bound Zain ng Jordan.
Ayon kay Toroman, hindi maglalaro sa 2010 Asian Games para sa China si Houston Rockets’ 7’6” center Yao Ming na may injured foot.
Hindi naman makukuha ng Iran, tinalo ang China sa 2009 FIBA-Asia Championship sa Tianjin, ang serbisyo ni Vroman, isa sa tatlong American imports sa Dubai.
Si Vroman ay maglalaro para sa Lebanon bilang isang naturalized player. (Joey Villar)