WIJK AAN ZEE, Netherlands--Dalawang sunod na panalo ang isinulong ni Filipino Grandmaster Wesley So.
Ito ay matapos talunin ni So si GM Dimitri Reinderman ng Netherlands sa seventh round ng 72nd Corus chess tournament dito sa De Moriaan Community Centre nitong Sabado.
Si Reinderman ang ikalawang sunod na naging biktima ng 16-anyos na si So matapos gitlain si dating European champion GM Liviu-Dieter Nisipeanu ng Romania sa sixth round.
Tuluyan nang tinalo ni So si Reinderman sa 36 moves ng Dutch Defense Stonewall Variation.
“He only encountered the Dutch Defense only once since 2004-- in his second game against GM Kamsky during the 2009 World Cup in Khnaty-Mansiysk which ended in a draw,” ani Filipino GM Bong Villamayor kay So.
“After Wesley’s 29. Rc1, he already had clear advantage due to passed pawn and two bishops and needed only to consolidate,” dagdag pa nito.
Ang panalo ang nagtabla kay So sa second hanggang fifth places sa kanyang 4.5 points sa ilalim nina hometown hero GM Anish Giri at GM Erwinl’Ami ng Netherlands.
Kasalo ni So sa posisyon sa naturang 14-player, category-16 tournament sina GM David Howell ng England, GM Ni Hua ng China at l’Ami.
Humatak naman si Howell ng panalo kontra GM Tomi Nyback ng Finland at nakipag-draw naman si Ni sa kalabang top seed GM na si Arkadji Naiditsch ng Germany.
Si Naiditsch, na unang nakipaghatian ng puntos kay So sa opening round ay katabla si GM Pentala Harikrishna ng India sa ikatlong posisyon taglay ang 4 puntos.
Sa Group A match, niyanig ni GM Hikaru Nakamura ng Amerika ang dating walang talong GM na si Akexei Shirov ng Spain sa 41 moves ng Sveshnikov.