^

PSN Palaro

So nagpatuloy sa pagpapanalo, umakyat sa 2nd place

-

WIJK AAN ZEE, Netherlands--Dalawang sunod na panalo ang isinulong ni Filipino Grandmaster Wesley So.

Ito ay matapos talunin ni So si GM Dimitri Reinderman ng Netherlands sa seventh round ng 72nd Corus chess tour­nament dito sa De Moriaan Community Centre nitong Sabado.

Si Reinderman ang ikalawang sunod na naging biktima ng 16-anyos na si So matapos gitlain si dating European champion GM Liviu-Dieter Nisipeanu ng Romania sa sixth round.

Tuluyan nang tinalo ni So si Reinderman sa 36 moves ng Dutch Defense Stonewall Variation.

“He only encountered the Dutch Defense only once sin­ce 2004-- in his second game against GM Kamsky during the 2009 World Cup in Khnaty-Mansiysk which ended in a draw,” ani Filipino GM Bong Vil­lamayor kay So.

“After Wesley’s 29. Rc1, he already had clear advantage due to passed pawn and two bishops and needed only to consolidate,” dagdag pa nito.

Ang panalo ang nagtabla kay So sa second hanggang fifth places sa kanyang 4.5 points sa ilalim nina hometown hero GM Anish Giri at GM Erwinl’Ami ng Nether­lands.

Kasalo ni So sa posisyon sa naturang 14-player, category-16 tournament sina GM David Howell ng England, GM Ni Hua ng China at l’Ami. 

Humatak naman si Howell ng panalo kontra GM Tomi Ny­back ng Finland at na­kipag-draw naman si Ni sa kalabang top seed GM na si Arkadji Naiditsch ng Ger­many.

Si Naiditsch, na unang nakipaghatian ng puntos kay So sa opening round ay katabla si GM Pentala Harikrishna ng India sa ikatlong posisyon taglay ang 4 puntos.

Sa Group A match, niyanig ni GM Hikaru Nakamura ng Amerika ang dating walang ta­long GM na si Akexei Shirov ng Spain sa 41 moves ng Sve­shnikov.

AKEXEI SHIROV

ANISH GIRI

ARKADJI NAIDITSCH

BONG VIL

DAVID HOWELL

DE MORIAAN COMMUNITY CENTRE

DIMITRI REINDERMAN

DUTCH DEFENSE

DUTCH DEFENSE STONEWALL VARIATION

FILIPINO GRANDMASTER WESLEY SO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with