Dominasyon ng PUP tinapos ng RTU

MANILA, Philippines - Winakasan ng Rizal Technological University ang kani­lang limang taong tagtuyot sa korona matapos na dominahin ang men’s basketball competition sa 22nd State Colleges and Universities Athletic Association-National Capital Region (SCUAA-NCR) season.

Ito’y matapos na igupo ng RTU ang five-time champion Polytechnic University of the Phi­lippines,138-68 at isubi ang kanilang kauna-unahang korona mula noong 2004 sa harapan ng mga dumag­sang manonood sa RTU gym sa Mandaluyong City kahapon. 

Bumandera si Mark Trinidad sa opensa ng Blue Thunders sa kanyang tinapos na 39 puntos sa kabila ng paglatag ng Stars ng malagkit na depensa sa buong laro upang ihatid ang RTU sa five-game title sweept.

Nagdagdag rin si Jery Glorioso ng 24 puntos habang kumana naman si Robby Celiz ng 21 puntos para sa RTU.         

Show comments