Leputre, Sianson tandem kampeon sa 1st Pro Am netfest

MANILA, Philippines - Idinaos ang 1st PRO AM Tennis Doubles Tournament sa Olivares Sports Center sa Sucat, Parañaque City na may temang “PALO MO- TULONG MO” kung saan ang mga nakalap na pon­do ay ibinahagi sa Handicapped Center Lourdes Inc. (Caritas Manila).

Ang nasabing grupo ang siyang nagbibigay ng suporta sa mga kabataang may kapansanan.

Tinanghal na kampeon ang tambalan nina Marcelo Leputre at Dennis Sianson matapos talunin sina Joel Salamangka at Paul Sianson sa iskor na 6-4, 7-5.

Pumuwesto naman bilang second runner-up ang dalawahan nina Arvin Ruel at Alwin Cruz kasunod sina third-runner up Don Sianson at Ricky Florendo.

Ang naturang torneo ay itinaguyod ng Prime Alliance Global Logistics Inc., sa pangunguna ng kanilang CEO na si Augusto “Totch” Garcia at katuwang ang mga sumusunod, Allied Bank Oyster Plaza, Sky International, CDG Customs Brokerage, Shipco Transport, Fabulous Freight at Air Ocean Management Express Inc. at sina Ms. Tess Dy, Mr. & Mrs. Edison Balatbat, Ms. Divina Gracia Odiver at ang YVY Logistic.

Show comments