Lady Stags, Knights sisikwat ng panalo
MANILA, Philippines - Hangad ng San Sebastian na mapalawig ang kanilang supremidad sa women’s division para sa ikatlong sunod na taon, habang tangka naman ng Letran na maulit ang kanilang tagumpay sa men’s side kung saan bubuksan ng dalawang koponan ang kani-kanilang kampanya ngayon sa 85th NCAA beach volley tournament sa Cantada Sports Center sa Taguig City.
Magkakaroon ng bagong kakampi si Margarita Pepito sa katauhan ng mahusay na si Russell Jalbuna na inaasahang magpapalakas ng morale-boost ng Mendiola-based spikers sa kanilang inaasam na three-peat sa event na ito na inorganisa ng committee na pinamamahalaan ni Paul Supan at may ayuda rin ng Gatorade, Speedo ay Cheers.
Isinubi ng San Sebastian ang kanilang ikalawang sunod na korona matapos na pigilan ang College of St. Benilde sa finals noong nakaraang taon sa tulong ng reigning MVP na si Lou Ann Latigay at Pepito, na ginapi ang power-hitting pair nina Giza Yumang at LC Quemada.
Muling magbabalik ang tambalan nina Yumang at Quemada upang ipaghiganti ang kanilang naging kabiguan noong nakaraang season na tumapos sa dominasyon ng Lady Blazers.
Sa kabilang banda, babandera naman sa Letran ang pares nina Warren Pirante, ang indoor volleyball MVP noong nakaraang taon at Erickson Ramos sa men’s section.
Isa sa magiging mabigat na katapat ng Letran sa kanilang tangkang back-to-back title ay ang tandem nina Evan Laraya at James Lorca ng San Beda.
- Latest
- Trending