^

PSN Palaro

NSAs dapat magbanat ng buto at huwag umasa sa PSC - Angping

-

MANILA, Philippines - Ito ang sinasabi ng Philippine Sports Commission (PSC) chairman Harry Angping na dapat ‘magbanat ng buto’ ang mga National Sports Association (NSAs)at hindi lamang umaasa sa kanila.

Hindi pinagbigyan ng PSC ang kahilingan ng Billiards & Snooker Congress of the Philippines (BSCP) na gastusan ang kanilang pag­lahok sa unang WPA World Team Championship sa Hanover, Germany.

Nakatakda ang naturang torneo sa Enero 31 hanggang Pebrero 7, ayon kay BS­CP secretary-general Ca­rlos Santos-Viola.

Para sa naturang torneo, humihingi ang BSCP, nasa ilalim ng liderato ng pangu­long si Sebastian Chua, kay Angping ng pondong $18,000 para sa kanilang air fare, hotel at meal expenses, dagdag ni Santos-Viola.

“Philippine participation in the Hanover event is a must because it is the official world team championship,” ani Santos-Viola. “It is now an annual event in the international sports calendar. And we will surely contend for top honors as one of the major pool-playing nations in the world.”

Sa kanyang programa, gusto ni Angping na tutukan ang paghahanda ng mga national athletes sa 16th Asian Games sa Guangzhou, China sa Nobyem­bre.

Ang koponan ng BSCP ay binubuo nina national champion Lee Van Corteza, double world champion Ronnie Alcano, Dennis Orcollo, Marlon Manalo, Antonio Lining at Warren Kiamco.

Ang naturang mga cue masters ay nanalo na ng gold at silver medals sa ka­nilang pagsali sa Asian Games at Southeast Asian Games. (RCadayona)

ANGPING

ANTONIO LINING

ASIAN GAMES

DENNIS ORCOLLO

HARRY ANGPING

LEE VAN CORTEZA

MARLON MANALO

NATIONAL SPORTS ASSOCIATION

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

SANTOS-VIOLA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with