Clijsters, Kuznetsova sa 3rd round

MELBOURNE, Australia--Nananatiling nasa konten­syon si U.S. Open Kim Clijsters para sa kanyang ikala­wang sunod na Grand Slam singles title matapos na iposte ang 6-3, 6-3 panalo laban kay Tamarine Tanasugarn nitong Miyerkules at makarating sa third round ng Australian Open.

Naipanalo ni Clijsters ang huling anim na games matapos na bumagsak ang kanyang serbisyo upang buksan ang second set laban sa 32-anyos Thai veteran na lumaro ng kanyang ika-51st major.

Susunod na makakasagupa ni Clijsters ang No. 19 na si Nadia Pedrova, isa sa Russian women na nakapasok sa third round matapos nina French Open champion Svetlana Kuznetsova at Maria Kirilenko na nauna ng umusad nitong Miyerkules ng umaga.

Sa men’s side, nagtala si No. 7 Andy Roddick ng 6-3, 6-4, 6-4 panalo laban sa Brazilian na si Thomaz Belluci at No. 11 Fernando Gonzalez ng Chile, ang 2007 runner-up na ginapi naman si Marsel Ilhan ng Turkey, 6-3, 6-4, 7-5.

Nagwagi ang 26-anyos na si Clijsters sa Flushing Mea­dows noong Setyembre, ang kanyang natatanging third tournament comeback matapos ang dalawang taong pahinga kung saan siya ay nagpakasal at nagsilang ng anak.

Umangat ang No. 15-ranked na si Clijsters sa 20 wins at tatlong kabiguan mula ng siya ay magbalik, ang nasabing run ang naglagay sa kanya na kauna-unahang ina na nanalo ng major matapos ni Evonne Goolagong Cawley sa Wimbledon noong 1980.

Tinalo niya ang dating No.1 -ranked na si Justine Henin para sa korona sa Brisbane International noong Jan. 9 na siya ring pagbabalik ni Henin sa tournament matapos rin ang 20-buwang pamamahinga sa tour.

Umusad din sa third round ang No. 16-ranked na si Yanina Wickmayer ng Belgium nang makalusot ito sa No. 12 na si Flavia Penneta ng Italy, 7-6 (2), 6-1.

Ginapi naman ni Kuznetsova, ang unang manlalaro na nakarating sa third round si Anastasia Pavlyuchenkova, 6-2, 6-2.

Show comments