MIAMI--Sa 119 players sa 3-point accuracy chart ng kasalukuyang NBA season, magugulat ang Indiana Pacers kung sino ang susunod sa pinakahuli sa listahan.
Ngunit hindi komportable si Dwyane Wade.
May malamyang 27 percent shooting mula sa long range, isinalpak ni Wade ang una sa kanyang apat na tangka sa 3-point area patungo sa kanyang game-high 32 points para igiya ang Heat sa 113-83 paggiba sa Pacers kahapon.
“I’ve been feeling good about my shot lately,” wika ni Wade, itinala ang kanyang 11,000-point mark para sa kanyang NBA career sa isang layup sa second quarter. Naglista si Wade ng 12-of-20 sa kabuuan ng laro at humakot ng 18 puntos sa first quarter para sa 21-19 baraha ng Heat.
Nagdagdag si Michael Beasley ng 21 marka para sa Miami, nagtayo ng malaking 36-19 sa first quarter at nagtarak ng isang 23-point lead kontra Indiana sa third period.
Umiskor si Brandon Rush ng 17 puntos sa panig ng Pacers, may 4-17 sa kanilang road games at 0-3 laban sa Heat.
Sa Cleveland, kumana si LeBron James ng 28 puntos na tinampukan ng ilang maningning niyang dunks at banderahan ang Cavaliers sa paggupo sa Toronto Raptors, 108-100.
Nagposte rin si James ng 11 assists at siyam na rebounds kung saan napaganda ng Cavaliers ang kanilang record sa Quicken Loans Arena sa 15-3.