Sea Lions vs Blue Thunders sa finals

MANILA, Philippines - Sumandig ang Olivarez College Sea Lions sa mala-linta nilang depensa sa perimeter upang idiskaril ang Technological Institute of the Philippines Engineers, 69-62 kahapon at isubi sa ka­una-unahang pagkaka­taon ang isang finals slot sa 17th National Capital Region Athletic Association (NCRAA) men’s basketball tournament.

Itinulak ng Sea Lions ang Engineers sa pitong ulit na pagtatapon ng bola sa huling limang minuto ng sa­gupaan upang maselyuhan ang kanilang panalo sa semifinal knockout game sa kanilang bakuran sa Olivarez College gym sa Sucat, Pa­rañaque.

Ang panalong ito ng Sea Lions ang nagsaayos ng ka­nilang titular showdown sa Rizal Technological Uni­ver­­sity Blue Thunders sa Lunes.

    

Show comments