Brown nagbida sa panalo ng Lakers sa Magic

LOS ANGELES--Sinimulan ni Shannon Brown ang kanyang araw sa pag­tanggap ng isang imbitasyon para sa slam dunk contest.

Tinapos niya ang araw na higit pa sa slam dunk ang kanyang ginawa para sa nagdedepensang Los Angeles Lakers.

Umiskor si Brown career-high 22 points, habang may 17 si Pau Gasol para pagbidahan ang 98-92 panalo ng Lakers sa Orlando Magic sa rematch ng nakaraang NBA Finals.

May 32-9 rekord ngayon ang Lakers, nakahugot ng 11 points kay Kobe Bryant mula sa malamya nitong 4-of-19 shooting.

Tumipa si Brown ng siyam na puntos sa fourth quarter, habang may pinag­sama namang 13 sina Lamar Odom at Jordan Farmar patungo sa paggupo sa Magic.

Sa iba pang laro, nanalo ang New York sa Detroit, 99-91; Oklahoma City sa Atlanta, 94-91 at Houston sa Milwaukee, 101-98 sa overtime.

Show comments