Bustamante trinangkuhan ang Team Asia kontra Europe sa korona
MANILA, Philippines - Tinalo ni Francisco “Django” Bustamante si Dutch Nick Van Den Berg, 5-2, sa deciding match upang ibigay sa Team Asia ang 8-7 panalo sa Asia vs Europe 9-Ball Team Challenge na idinaos sa Sutra Hall, Rizqun International Hotel saGadong, Brunei Darussalam nitong Linggo.
Ito ang pinakamala-king panalo para kay Bustamante na nabigo ang dalawa mula sa kanyang tatlong laro, pero bumangon ito at umiskor ng malaking panalo ng walisin ang lamesa sa ikaapat na rack at itabla ang iskor sa 2-all, bago muling inangkin ang trangko kay Van Den Berg tungo kanyang panalo.
Ang iba pang miyembro ng Team Asia ay sina Efren “Bata” Reyes, Ko Pin Yi at Lu Hui Chan ng Taiwan at local bet Teo Chee Soon habang kakampi naman ni Van Den Berg sa Team Europe ang kababayang si Niels Feijen, Ralf Souquet ng Germany, Ruslan Chinahov ng Russia, Imran Majid at Darren Appleton ng Great Britain,ang 2008 World Ten Ball champion.
Ibinulsa ng Team Asia ang top prize na $27,000 habang nakuntento naman ang Team Europe sa $13,000.
Samantala, tinalo niLee Van Corteza ang dating world champion na si Ronato Alcano 9-4, upang isubi ang 2010 Manny Villar Cup 10-ball crown sa One Side Billiards and Café Bar sa Mabini, Manila nitong Biyernes.
Dinomina ni Corteza, ranked No. 4 si Alcano sa kanyang solidong game ng iposte agad ang 7-2 kalamangan tungo sa kanyang panalo sa race-to-9, winner’s break format. Nanalo siya ng P400,000.
- Latest
- Trending