^

PSN Palaro

Aquino, Williams nagtulong sa panalo ng Realtors

-

MANILA, Philippines - Si Marlou Aquino ang nagdala sa first period, habang si Kelly Williams naman ang tumapos pa­ra sa Sta. Lucia.

Ipinoste ni Williams ang kanyang 14th double-double mula sa 25 puntos at 11 rebounds, samantalang humugot naman si Aquino ng 13 sa kanyang 17 marka sa first quarter para igi­ya ang Sta. Lucia sa 108-86 panalo kontra Barako Bull sa second round ng 2009-2010 PBA Philippine Cup ka­ha­pon sa Araneta Coliseum.

Ang naturang ta­gum­pay ang nagpatibay sa pag-asa ng Realtors sa isang playoff para sa isa sa tatlong outright qua­rterfinals ticket. 

May 10-7 kartada nga­yon ang Sta. Lucia sa ilalim ng semifina­list San Miguel (13-5), Alaska (12-4), Barangay Ginebra (11-6), Pu­refoods Tender Juicy (11-6) at nagdedepensang Talk ‘N Text (11-7) ka­sunod ang Burger King (5-11), Coca-Cola (5-12), Rain or Shine (4-13) at Barako Bull (3-14).

Matapos isuko ang first period sa Energy Boosters, 31-32, nagtu­wang naman sina Williams, Ryan Reyes, Ar­dy Larong at rookie Fil-Am Josh Urbiztondo para ibigay sa Realtors ang isang 12-point lead, 59-47, sa huling 48 segundo sa second quarter patungo sa kanilang 62-49 halftime lead.

Tatlong magkakahiwalay na three-point shots ang isinalpak nina Alex Crisano at Yousif Aljamal para idikit ang Ba­rako Bull sa 60-66 sa gitna ng third period.

Sa pamumuno nina Wil­liams, Urbiztondo at Ja­son Misolas, muling na­kalayo ang Sta. Lucia sa 71-60 tungo sa 91-76 lead sa 6:27 sa laro.

Ang panalo ng Realtors sa Giants, nagmu­la sa 94-77 paggupo sa Aces noong Biyernes, sa Enero 22 ang magbibigay sa kanila ng playoff para sa isa sa tatlong outright quarterfinals seat. (RC)

ALEX CRISANO

ARANETA COLISEUM

BARAKO BULL

BARANGAY GINEBRA

BURGER KING

ENERGY BOOSTERS

FIL-AM JOSH URBIZTONDO

KELLY WILLIAMS

N TEXT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with