Serena walang problema sa tuhod

MELBOURNE, Australia--Hindi na inaalala ni Serena Williams ang kanyang tuhod at hindi ito magiging hadlang para sa kanyang paglalaro sa singles at doubles sa Aus­tralian Open.

Sinabi kahapon ng defending champion na si Wil­liams na hindi seryoso ang kanyang sumasakit na tuhod matapos maapektuhan ang kanyang kampanya sa nakaraang Sydney International.

Hindi rin ito ang dahilan sa kanyang 3-6, 2-6 pagyukod kay Elena Dementieva sa finals ng naturang torneo.

Pinuri ni Williams si Dementieva sa mahusay nitong inilaro.

Ayon pa kay Williams, kinansela lamang niya ang isang practice session noong Sabado dahil gusto lamang niyang magpahinga at handa na siyang sumabak sa kanyang first-round match kay Urszula Radwanska ng Poland sa Martes.

Makakasama ni Williams sa isang bahagi ng draw ang kanyang kapatid na si Ve­nus hanggang kalagitnaan ng draw at nakatakda silang magkita sa semifinals, habang nasa kabilang bahagi naman ng draw sina Kim Clijs­ters ng Belgium at Henin at Dementieva.

Show comments