So bubuksan ang kampanya sa Corus International vs German top seed GM
WIJK AAN ZEE, Netherlands --Isang mabigat na laban agad ang kakaharapin ni GM Wesley So ng Philippines sa pagbubukas ng kanyang kampanya sa 2010 Corus International chess championship sa De Moriaan Community Centre dito sa Sabado.
Nakatakdang makipagpigaan ng utak si So laban sa top seed GM na si Arkadij Naiditsch ng Germany sa first round.
Ang Latvian-born na si Naiditsch ang top seed sa tournament na ito na taglay ang ELO na 2689.
Ito ang unang appearance ni So, bumandera sa Group C noong nakaraang taon sa pagposte ng maningning na 9.5 puntos mula sa pitong panalo, limang draws at isang talo, sa mahigpitang labanan sa category-16 Group B kung saan ang average rating ay ELO 2627.
“It’s a new challenge for me, but I will do my best for our country,” ani ng 16-year-old na si So, na seeded sixth sa 14-player field na may ELO na 2656. “Sana maging maganda uli ang performance ko dito sa Wijk-aan Zee, gaya last year.”
Bagamat pang-anim lamang sa seeding, nakuha naman ni So ang lahat ng atensyon sa seaside resort town dito matapos ang kanyang mahusay na performance sa nakaraang World Chess Cup kung saan nakarating siya sa fourth round dala ang mga panalo mula kina dating world championship candidates GMs Vassily Ivanchuk ng Ukraine at Gata Kamsky ng United States.
At ang isang inaabangan dito ay ang muling pagsabak ni Ivanchuk na naunang nagdeklara ng kanyang pagreretiro sa chess matapos na malasap ang masaklap na kabiguan sa mga kamay ni So sa World Cup noong nakaraang buwan, kung saan lalaro ito sa category-19 Group A.
Matapos si Ivanchuk, sunod na kalaban ni So si GM Erwin I’Ami ng Netherlands sa Linggo.
- Latest
- Trending