Arenas makukulong ng 5-taon, Orlando inilaglag ng Portland
WASHINGTON - Naghain si Washington Wizards guard Gilbert Arenas ng 'guilty plea' sa Superior Court hingil sa kanyang pagdadala ng walang lisensyang baril.
Ang kaso ay nagsasaad ng maximum sentence na limang taon na pagkakakulong.
Inirekomenda naman ng mga prosecutors kay Arenas manatili sa kulungan sa loob ng anim na buwan bilang bahagi ng isang 'plea bargain' na naglagay sa kanyang NBA career sa panganib.
Inamin ni Arenas na nagdala siya ng apat na baril sa locker room ng Wizards noong Disyembre 21, ngunit nahaharap lamang sa isang kaso mula sa isang kasunduan.
“He accepted full responsibility for his actions, acknowledged that those actions were wrong and against the law, and has apologized to all who have been affected by his conduct,” ani Kenneth Wainstein, abogado ni Arenas.
Sa Portland, tinalo ng Portland Trail Blazers ang Orlando Magic, 102-87, sa kabila ng hindi paglalaro ni Brandon Roy.
Sa Atlanta, isang tres ni Jamal Crawford sa pagtunog ng final buzzer ang nagtawid sa Atlanta Hawks sa 102-101 panalo kontra Phoenix Suns.
Bumangon ang Hawks mula sa 96-100 agwat sa huling 10 segundo kasunod ang mga mintis ng Suns na nagresulta sa split at putback ni Crawford para sa kanilang 99-100 pagbabalik.
- Latest
- Trending