SALT LAKE CITY--Tumirada si rookie Sundiata Gaines ng triples kasabay ng pagtunog ng buzzer upang selyuhan ang ilang ulit nilang tangkang pagbangon ang nagbigay sa Utah Jazz ng 97-96 panalo laban sa Cleveland Cavaliers sa NBA nitong Huwebes.
Pinangunahan ni LeBron James ang Cavaliers sa paglarga ng 22-4 bomba sa kaagahan ng final canto ang naglagay naman sa Cleveland ng anim na puntos na bentahe may 33 segundo ang nalalabi, ngunit hindi naman nakaporma ang bisitang koponan sa free throw line.
Nagtala si Zyndrunas Ilgauskas ng 1-of-2 mula sa line may 5.6 segundo na lamang ang nalalabi at kailangan lamang ng Jazz ng isang field goal upang itabla ang iskor o kaya isang tres upang ikamada ang kanilang panalo.
Ibinigay ni Ronnie Price ang bola kay Gaines, na nagpakawala ng winning shot.
Tumapos si Gaines, kapipirma lamang ng 10-araw na kontrata nang ang starter na si Deron Williams ay na-sprained ang kanyang kanang pulso, 9 puntos. Ito rin ang unang tres ni Gaines sa kanyang limang larong NBA career.
Sa Boston, nailista ng Chicago ang kanilang pinakamaningning na panalo sa labas ng kanilang balwarte matapos na pabagsakin ang host team Celtics, 96-83.
Nagtala si Luol Deng ng 25 puntos upang pamunuan ang Chicago sa pagposte ng kani-lang ikatlong sunod na tagumpay.
Nakalapit ang Celtics ng anim na puntos may 3:50 ang nalalabi, ngunit nagsalpak naman ang Bulls ng walong basket mula sa siyam na pagtatangka, anim nito ay mula kay Joakim Noah upang itayo ang 94-81 kalamangan.