^

PSN Palaro

Cavaliers bulilyaso sa tres ni Gaines, Jazz nakalusot

-

SALT LAKE CITY--Tu­mirada si rookie Sundiata Gaines ng triples kasabay ng pagtunog ng buzzer upang sel­yu­han ang ilang ulit ni­lang tangkang pagba­ngon ang nagbigay sa Utah Jazz ng 97-96 panalo laban sa Cleveland Ca­valiers sa NBA nitong Hu­webes.

Pinangunahan ni LeBron James ang Cavaliers sa paglarga ng 22-4 bomba sa kaagahan ng final canto ang naglagay naman sa Cle­veland ng anim na puntos na bentahe may 33 segundo ang na­lalabi, ngunit hindi naman nakaporma ang bisitang koponan sa free throw line.

Nagtala si Zyndru­nas Ilgauskas ng 1-of-2 mula sa line may 5.6 se­­gundo na lamang ang nalalabi at kaila­ngan lamang ng Jazz ng isang field goal upang itabla ang iskor o kaya isang tres upang ikamada ang kanilang panalo.

Ibinigay ni Ronnie Price ang bola kay Gai­nes, na nagpakawala ng winning shot.

Tumapos si Gaines, kapipirma la­mang ng 10-araw na kon­trata nang ang star­ter na si Deron Williams ay na-sprained ang kan­yang kanang pulso, 9 puntos. Ito rin ang unang tres ni Gaines sa kanyang limang larong NBA career.

Sa Boston, nailista ng Chicago ang kani­lang pinakamaning­ning na panalo sa la­­bas ng kanilang bal­warte matapos na pabagsakin ang host team Celtics, 96-83.

Nagtala si Luol Deng ng 25 puntos upang pamunuan ang Chicago sa pagposte ng kani-lang ikatlong su­nod na tagumpay.

Nakalapit ang Celtics ng anim na puntos may 3:50 ang nalalabi, ngunit nagsalpak naman ang Bulls ng walong basket mula sa siyam na pagtatangka, anim nito ay mula kay Joakim Noah upang itayo ang 94-81 kalamangan.

DERON WILLIAMS

JOAKIM NOAH

LUOL DENG

NAGTALA

RONNIE PRICE

SA BOSTON

SHY

SUNDIATA GAINES

UTAH JAZZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with