Smart Gilas 'di nakayanan ang malalaking tao ng Syria
DUBAI--Nagpamalas ng magandang laban ang Smart Gilas Pilipinas ng impresibong performance sa likod ng pagkawala ni naturalization candidate Jamal Sampson ngunit hindi nila malimitahan si Al Jalaa ng Syria na talagang namang nagtatangkaran at lumasap ng 76-90 pagkatalo sa pagsisimula ng import-laced Dubai Invitational dito.
Sa harap ng libong Filipino crowd sa Al-Ahli Sports Complex, si JV Casio ang, lumaro ng kanyang ikalawang game pa lamang sapul nang mabukulan sa isang exhibition game kontra sa Alaska, ang nagdala ng team sa pagkamada ng 23-points.
Ngunit ang pagkawala ng 6’11 former NBA veteran na si Sampson, na nasa listahan ng RP para sa naturalization na inaasahang magbibigay ng inside muscle, pero hindi nakayanan ng mga Pinoy ang malalaking Syrians, na may tatlong American reinforcements.
Sinikap nina Filipino-American Marcio Lassiter, Mac Baracael, Japeth Aguilar at Jason Ballesteros na ibangon ang Pinoy Team sa pagkamada ng 11, 11, 10 at 10 points, ayon sa pagkakasunod, ngunit sadyang napakalaking kawalan si Sampson.
Inaangal ni Sampson ang pananakit ng tuhod kaya hindi na ito nakisali sa pre-game warm up.
“It’s always very difficult for us to play this game because all these teams, they have three Americans,” sabi ng Serbian coach ng RP na si Rajko Toroman. “We played without Sampson and it shocked us in the beginning.
“This competition, if we play without a big guy, we will not do too much,” dagdag nito.
Nabigla ang Smart Gilas sa ora-oradang desisyon ni Sampson na hindi maglaro kaya maaga silang nabaon sa 0-13 deficit sa simula ng laro.
Hindi naman basta-basta sumuko ang mga Pinoy nang sunud-sunod ang dakdak Aguilar para maiahon ang Smart Gilas. Pagkatapos ng magkasunod na tres nina Chris Tiu at Baracael naitabla nila ang iskor sa 29-all sa kalagitnaan ng second quarter.
Ngunit ito na ang huling hirit ng Pinoy na tumapos ng quarter sa 14-5 exchange para kunin ang 43-34 lead bago umatake ang Syrians sa third canto at lumayo ng hanggang 26 points ng dalawang beses, ang huli ay sa 74-48 sa pagtatapos ng nasabing yugto na hindi na nakayanan pang habulin ng mga Pinoy.
- Latest
- Trending