^

PSN Palaro

Nietes balak ng umakyat ng division

-

MANILA, Philippines - Kagaya ng ibang Filipino world boxing champions, nag-iisip na rin si Donnie “Ahas” Nietes na umakyat ng weight division sa kanyang susunod na laban.

 Ito ang inihayag kahapon ni Nietes sa lingguhang SCOOP sa Kamayan sa Padre Faura, Manila kaugnay sa kanyang plano.

“Medyo lumalaki pa ako at bumibigat, kaya ma-lamang lumipat din ako ng dibisyon sa mas mataas,” wika ni Nietes. “Pero bago yun, gusto ko muna ma-unify ang dibisyon ko para isa na lang ang tanghaling kampeon.”

Kabilang sina Manny Pacquiao, Nonito “The Filipino” Flash Donaire, Jr., Brian “The Hawaiian Punch” Viloria, Gerry “Fearless” Peñalosa at Rodel “Batang Mandaue” Mayol sa mga umakyat ng weight class. 

Nakatakdang idepensa ni Nietes ang kanyang suot na World Boxing Organization (WBO) minimumweight crown laban kay Mexican challenger Jesus Silvestre sa Enero 23 sa Cuneta Atsrodome sa Pasay City.

Kasalukuyang dinadala ng 27-anyos na tubong Murcia, Negros Occidental ang kanyang 25-1-3 win-loss-draw record kasama ang 14 KOs, habang dala naman ng pambato ng Nayarit, Mexico ang 15-1-0 (12 KOs) slate.

Ayon kay Nietes, mag-dedepensa ng kanyang WBO minimumweight belt sa pang apat na sunod na pagkakataon, hindi tatagal si Silvestre sa kanilang laban.

“Hindi tatagal ng pitong round ‘yan,” prediksyon ni Nietes, nag-iisip na lu-maban sa flyweight o bantamweight division sakaling maging matagumpay siya sa kanyang title defense, kay Silvestre.

“Napag-aralan na namin ang style nya sa tapes ng mga laban nya at tingin ko maraming weakness. Kaya kahit na maganda rin ang record niya, kayang patumbahin,” dagdag ni Nietes.

Ang Nietes-Silvestre fight ay undercard ng laban ni Viloria kay Colombian challenger Carlos Tamara para sa International Boxing Federation (IBF) light flyweight title. (Russell Cadayona)

ANG NIETES-SILVESTRE

BATANG MANDAUE

CARLOS TAMARA

CUNETA ATSRODOME

FLASH DONAIRE

HAWAIIAN PUNCH

INTERNATIONAL BOXING FEDERATION

NIETES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with