'Ang Diyos ang steroids ni Pacquiao'--Roach
MANILA, Philippines - Kung meron mang steroids na pinapasok si Manny Pacquiao sa katawan, ito ay ang ‘Diyos.”
Ito ang sinabi ni Freddie Roach sa panayam sa fighthype.com upang linawin ang issue ukol sa drug testing na naging dahilan ng pagkulapso ng negosasyon ng Manny Pacquiao--Floyd Mayweather Jr., megafight.
“If there was a steroid for Manny Pacquiao, it is God. He believes in God and God will decide who wins the fight and that’s his outlook on sports,” pahayag ni Roach. “He’s not that type of guy who will ever use an enhancing drug.
Tuluyan nang kinalimutan ni Roach ang nabigong Pacquiao-Mayweather fight at nakatuon na ngayon ang pansin sa title defense ni Pacman kay Joshua Clottey sa March 13.
Naniniwala si Roach na walang tinatago ang kanyang premyadong boxer.
“We’ve never tested positive.We don’t have any symptoms of steroids. He doesn’t breakout in pimples, he doesn’t get moody, he’s always smiling, He has no symptoms of steroids use at all,” pagtatanggol ni Roach kay Pacquiao.
Ipinaliwanag ni Roach na hindi lang talaga komportable si Pacquiao na magpakuha ng dugo at sinabi niyang marami pang ibang test na puwedeng gawin bukod sa blood test.
The thing is everyone reacts differently in giving blood, some people pass out, some people faint, some people is ok with it. But Manny doesn’t feel fine with it. I lose him for three to four days, because he doesn’t feel well,” ani Roach.
I called one of my friend who works in the NFL, and one of the drug person in the OIC told me that saliva, hair and urine shows exactly the same as blood so Olympic style blood testing is irrelevant,” dagdag pa ng American trainer.
Sa Lunes nakatakdang magtungo si Pacquiao sa Amerika upang simulan na ang kanyang pagsasanay para sa paghahanda sa kanilang laban ni Clottey.
- Latest
- Trending