^

PSN Palaro

Adamson U yuko sa Jose Rizal U

-

MANILA, Philippines - Sumandig ang Jose Rizal University sa buzzer-beating shot ni John Nchotu Njei upang itakas ang makapigil-hiningang 51-49 panalo laban sa Adamson University sa 5th Fr. Martin Cup Open basketball tournamernt kahapon sa FEU gym sa Morayta, Manila.

Humatak ng rebound ang 6'0 na si Njei, na-recruit mula sa cameroon, matapos na magmintis ang kanyang teammate sa pinakawalang jumper mula sa kaliwang bahagi laban sa dalawang bantay ng Falcons upang iselyo ang nasabing panalo.

Ang panalo, ikalawa sa tatlong kalaban ay sapat na para okupahan ng tropa ni coach Vergel Meneses ang ikatlong puwesto sa Group B sa likod ng NCAA runner-up San Beda at Arellano University.

“The  players  are  still adjusting  to  our new system, but they are doing very well right now,” ani   Meneses, na itinalaga para trangkuhan ang koponan may dalawang buwan pa lamang.

 “I’m satisfied with the way they are playing, although there are  still rooms  for  improvement,” dagdag pa ni  Meneses, na kilala bilang  “Aerial Voyager” ng ito ay naglalaro pa sa PBA.

Tumapos naman si Mark Lopez ng 18 puntos para sa Mandaluyong-based team, na sinundan ni Njei na may 13 at Raycon Kabigting na may 10.

Sa iba pang laro, hiniya ng  NCAA champion  San  Sebastian  College  ang  AMA Computer University,  72-50;  naungusan ng Letran College ang  Informatics, 74-72; pinayuko ng  Mapua  ang  Emilio Aguinaldo   College, 81-56,  pinataob ng University of  Perpetual Help  ang Arellano  University, 71-68; sinilat ng  University  of  the  Philippines ang Centro  Escolar University, 76-56, nanaig rin ang Lyceum of the Philippines sa Arellano-B, 64-60.

ADAMSON UNIVERSITY

AERIAL VOYAGER

ARELLANO UNIVERSITY

COMPUTER UNIVERSITY

EMILIO AGUINALDO

ESCOLAR UNIVERSITY

GROUP B

JOHN NCHOTU NJEI

UNIVERSITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with