MANILA, Philippines - Pipilitin ni Manny Pacquiao na ibaba sa 145 lbs ang kanilang WBO welterweight title fight ni Josh Clottey sa Marso 13 sa Texas.
“We will push for 145 pounds just like in the Miguel Cotto fight,” wika ng abugado ni Pacquiao na si Franklin Gacal, sa exclusive interview ng ABS-CBN kahapon.
“We will push for that catchweight,” dagdag pa niya sa kabilang naunang pahayag na inilabas ng chief trainer na si Freddie Roach na nakahanda na sila na harapin ang dating IBF welterweight champion sa 147 lbs.
“These guys (Cotto and Clottey) are naturally bigger than Manny,” ani pa ni Gacal.
Nilabanan ni Pacquiao si Cotto sa catchweight na 145 lbs, at tumimbang ito ng 144 at sa pag-akyat nila sa ibabaw ng lona ito ay under 150. At kung ang pag-uusapan ang winning formula, para kay Roach ang dalawang pounds na sobra ay malaking kaibahan.
“I think Manny can fight Clottey at 147. He is the welterweight champion and therefore should fight anyone at 147,” wika naman ng isang adviser ni Pacquiao na si Wakee Salud.
Laban kay Cotto, pinatunayan ni Pacquiao na kaya niyang sagupain ang sinumang world's best welterweights at gayundin ang kani-kanilang mga suntok. At ito ay nangyari nga kay Cotto ng kanya itong pinabagsak sa 12th at final round ng kanilang laban.
Ang Pacquiao-Clottey showdown ay gaganapin sa bagong Dallas Cowboys Stadium sa Arlington matapos na madiskaril ang inaasam na superfight kontra kay Floyd Mayweather Jr., sanhi ng di nila pagkakasundo sa paraan ng pagsasagawa ng blood testing.
Samantala, kinumpirma ito ni WBO President Francisco “Paco” Valcarcel.
“If Texas state law required blood testing, then we would go along with it,” ani Valcarcel. “I understand their only blood test is for licensing and its purpose is screening Hepatitis B, Hepatitis C and HIV. Both fighters will be subject to our immediate postfight urine testing as per usual with a WBO title match.”
Sinabi ni Valcarcel na nasasabik na siya sa laban at sa magandang venue.
“It’s a great start for the New Year. Clottey is very tough but a little bit slow,” aniya pa. “I think it’s a solid fight. And fighting in the new stadium should be exciting.” (May ulat ni Mae Balbuena)