^

PSN Palaro

Batang BBL-UB 3-0 na sa NBTC-D League

-

MANILA, Philippines - Isang side jumper ang tinira ni John Arellano may tatlong segundo na lang ang nalalabi nang kumabyos ang karibal na si Kenneth Lontoc at iposte ng Batang BBL-UB ang 62-60 panalo laban sa B-MEG-SBC noong nakaraang linggo sa Nokia National Basketball Training Center (NBTC) D-League sa St. Bridget College gym sa Batangas City.

Kumpiyansa ang nagdala sa Batang BBL nang maghabol ang team sa 31-55 sa unang tatlong quarters bago nagtulong sina Jonel Sangalang, Joseph Elnar at Arellano sa pinagsamang 25 puntos ng kanilang 27 puntos sa ikaapat na quarter points upang biguin ang B-MEG-SBC, na nagtabla pa sa laro sa 58 all sa tres at freethrows ni Karil Panopio.

Umiskor si Arellano sa jumper para sa 60-58 abante ng Batang BBL-UB, bago binato ni Lontoc ang dalawang freethrows para itabla ang iskor sa 60-all.

Inireklamo ni coach NR Aguda ang oras at sa huling 12 segundo nai-set-up ni Arellano ang isang go-ahead basket para sa ikatlong panalo ng koponan sa under-18 tournament na suportado ng Nokia Philippines at TAO Corporation sa ilalim ng Samahang Basketbol ng Pilipinas at San Miguel Purefoods Company, Smart Communications at Burlington.

Naiposte din ng Smart-La Salle ang kanilang ikalawang panalo sa tatlong laro, 79-66 laban sa Ulam King-STC, na nilasap ang ikatlong kabiguan sa tatlong laro. 

Mula sa 29 clubs, umabot na sa 108 teams ang kalahok na koponan na suportado ng ilang commercial at local government units. Magkakaroon ng inter-city, regional at national finals, na ang huli ay gaganapin sa Mayo sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

ARELLANO

BATANG

BATANGAS CITY

JOHN ARELLANO

JONEL SANGALANG

JOSEPH ELNAR

KARIL PANOPIO

KENNETH LONTOC

NOKIA NATIONAL BASKETBALL TRAINING CENTER

NOKIA PHILIPPINES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with