Nae-excite pa rin pala si American trainer Freddie Roach sa mga nagiging kalaban ni Manny Pacquiao. Exciting sana ang fight nina Pacquiao at Floyd Mayweather Jr. pero nadiskaril ito dahil kapwa hindi magkasundo ang dalawang panig sa kung papaanong paraan gagawin ang blood testing.
Pero sa karamihan, duwag si Mayweather kaya kung anu-ano ang kanyang hinihiling.
Para bang suntok sa buwan na alam niyang hindi gagawin ni Manny ang nais niya. So ang ending, hindi tuloy ang laban.
Kasi ika nga ng marami, kung gusto may paraan at kung ayaw naman ay maraming dahilan.
Para sa kampo ni Pacquiao hindi na kailangan ang nais na sistema ni Mayweather dahil hindi naman ito ang hinihingi ng Nevada Athletic Commission.
So ka-boom, wala ng Pacquiao-Mayweather fight.
At dahil dito, naghanap ng bagong makakalaban ang promoter ni Pacquiao na si Bob Arum ng Top Rank.
At dito nakita niya si Joshua Clottey-- na bagamat tinalo ni Miguel Cotto, ay hindi pwedeng sabihing basta-bastang fighter lamang.
Kung naging maaksiyon ang laban nina Cotto at Pacquiao noong Nobyembre, para kay Roach higit na mas magiging maaksiyon ang laban na ito nina Pacquiao at Clottey.
Selyado na daw ang negosasyon at pirmahan na lang ang kailangan para tuluyang makapaghanda na ang dalawang boksingero sa kanilang gagawing paghahanda para sa Marso 13 fight sa Cowboys Stadium.
At dahil nga selyado na ang Pacquiao-Clottey fight, tiyak na mas mae-exicite na si Roach.
Katunayan, nais nitong ma-knockout ni Pacquiao si Clottey na sa tingin pa lang ay tila hindi kayang gibain o pabagsakin ng sinuman.
Oo nga’t tinalo ito ni Cotto, hindi pa rin nagawang pahalikin sa lupa si Clottey.
Aba sa loob ng 39 laban ni Clottey, hindi pa ito humahalik sa lupa.
At yun ang nais gawin ni Roach para sa kanyang bata.
* * *
Balita ring tuloy naman ang laban ni Mayweather sa Marso 13. At nakalinya sa kanyang makakalaban si Paulie Malignaggi.
At dahil sabay ang laban na ito nina Pacquiao at Mayweather, dito malalaman kung sino ang tunay na box office king.
So let’s wait and see.
* * *
Ngayon pa lamang nais na ni PSC chairman Harry Angping na matukoy ang mga atletang may karapatang magtungo para sa Asian Games na gaganapin sa Guangzhou, China.
Sa November pa ang Asiad kaya marami pa pwedeng mangyari.
Siyempre higit sa lahat kay chairman Angping na malamang maapektuhan pagkatapos ng May 2010 election.
Maaring mag-stay siya sa Chairman at maaring mapalitan na rin siya.
But then, walang panghihinayang si Chairman sakaling hindi na siya ang hahawak ng PSC.
Dahil nga ngayon pa lang nais na niyang maihanda ang mga atletang sasabak sa Asiad.
Ngayon pa lang sinisimulan na ang training ng mga athletes.
Para kay chairman Angping, dapat ngayon pa lang magsimula na. Kaya ngayon pa lang ay tinatanong na niya ang ilang atleta na nais magsanay sa ibang bansa o mabigyan ng exposures
Pero paging all NSAs siguro naman it’s about time na ngayon palang ay ma-test na ang mga atleta nyo para maging karapat-dapat sa pagrepresent ng ating bansa at makakapagbigay ng karangalan sa ating inang Bayan.
Let’s move on!