MANILA, Philippines - Bitbit ang personal career-high ELO rating na 2,656, nagpahayag ang Group C champion na si GM Wesley So ng Philippines ng kanyang kumpiyansa sa nalalapit na 72nd Corus international chess championship (dating Hoogovens) sa Jan. 15-31 sa De Moriaan Community Centre sa Wijk aan Zee, Netherlands.
"I'm ready. It's a big challenge for me, but I will try my best," wika ni So, na aalis patungong Wijk aan Zee sa Miyerkules, Jan. 13
Ang 16 anyos na Filipino champion ay sasamahan ng kanyang long-time personal manager Reginald Tee, na pupunan ang puwesto ng kanyang father-coach na si William So.
Si So, na ang ELO rating na 2,656 ay naglagay sa kanya sa No. 76 sa buong mundo sa Jan. 1 FIDE quarterly ratings, ay lalahok sa mas malakas na category-16 Group B na ang average ELO rating ay 2,627.
"I know most of the players in Group B. ,They are all good and talented," wika ni So, na nanguna sa Group C noong nakaraang taon na may kabuuang 9.5 puntos sa 13-round mula sa pitong panalo, limang draws at isang talo.
"But I have prepared hard for this tournament since my arrival from the World Cup in Khanty-Mansiysk, Russia last month," dagdag pa ni So.
Ngayong taon, si So ay pang-anim sa 14-player field kung saan kasama niya sina GMs Arkadij Naiditsch ngGermany, Liviu-Dieter Nisipeanu ng Romania at Pentala Harikrishna ng India bilang pangunahing partisipante.
Ang iba pang Group B participants ay sina GMs Emil Sutovsky ng Israel, (4th seed ELO 2,666); Ni Hua ng China, (5th, ELO 26656); Tomi Nyback ng Finland, (7th, ELO 2628; Varuzhan Akobian ng United States, (8th, ELO 2624); Parimarjan Negi ng India, (9th, ELO 2620; Erwin l' Ami ng Netherlands, 10th, (ELO 2606); David Howell ng England, (11th, ELO 2597); Arish Giri ng Netherlands, (12th,ELO 2585); Dimitri Reindermann ng Netherlands, (13th, ELO 2575); at ang natatanging babaeng partisipante na si WGM Anna Muzychuk of Slovakia, (14th, ELO 2532).