^

PSN Palaro

Pacquiao-Clottey fight selyado na

- Abac Cordero -

MANILA, Philippines - Hindi pa napapatumba si Josh Clottey sa loob ng 15 taon niya bilang pro boxer.

At nais ni Freddie Roach na si Manny Pacquiao ang maging unang gagawa nito para sa 33 anyos na dating world champion.

“I think we’re going to get him out in 12 easily, but he’s definitely a tough guy to knock out though,” pahayag ni Roach sa isang panayam ni Ben Thompson ng fighthype.com.

“That’s our goal, to knock him out and be one of the first ones to do that,” wika ni Roach.

Hindi naman sobra ang hinihingi ni Roach kay Pacquiao kung talagang nais nito ng knockout dahil ilan na sa mga nakalaban ng Filipino superstar ang pinabagsak nito tulad nina--David Diaz, Oscar dela Hoya, Ricky Hatton at Miguel Cotto.

Tiyak na liyamado ang 31 anyos na si Pacquiao, kinokonsiderang pinakadakila sa kanyang panahon.

Pero totoong mahirap na kalaban si Clottey dahil sa loob ng 39 laban nito, hindi pa siya napapabagsak, at tatlong beses pa lamang tinatalo, una kay Antonio Margarito (unanimous) noong 2006, at kay Cotto (split) noong Hunyo noong nakaraang taon. Ang isa pa niyang talo ay disqualification kontra kay Carlos Manuel Baldomir sa Wembley Stadium sa London noong 1999. Pinatalsik si Clottey ng reperi dahil sa headbutts sa 10th at 11th rounds ng kanilang welterwegith class.

Ang laban sa Marso 13 sa pagitan nina Pacquiao at Clottey ay naiselyo na noong isang araw makaraang magtungo sa Dallas si Top Rank officer Bob Arum at nakipag-ayos kay Jerry Jones, may-ari ng Dallas Cowboys Stadium na siyang fight venue.

Maaaring magkapirmahan na ng kontrata anumang araw ngayong linggo dahil may 60 araw na lang ang na-lalabi. Tutungo si Pacquiao sa Los Angeles anumang araw mula ngayon para magsanay sa Wild Card Gym.

May ulat na tatanggap si Pacquiao ng hindi bababa sa $10M para sa laban pero malamang na magtapos ng may $20M kapag naayos na ang lahat.

Maaaring kunin ni Floyd Mayweather Jr., ang tumapos sa laban niya kay Pacquiao at kumita ng hindi kukulangin sa $25M, ang Marso 13 sa MGM Grand at malamang na makaharap si Paulie Malignaggi.

Maaring pirmahan ni Pacquiao ang kontrata sa kanyang pagdating sa Amerika, magsanay sa loob ng walong linggo at tapusin si Clottey at bumalik sa bansa para naman sa kampanya niya para sa May 10 election kung saan naghahangad ito ng puwesto sa congressional seat sa Saranggani.

Ito naman ang pinakamalaking laban para kay Clottey sa larangan ng premyo at estado at walang makakapigil dito para hindi niya pirmahan ang kontrata.

At alam mismo ni Roach ang kanyang gagawin sa dating IBF welterweight champion.

“We have to box this guy, in-and-out, side-to-side motion, and really, really be very tactical because he’s a very strong and big puncher and has a good chin of course,” ani Roach.

“Again, it’s not an easy fight, but it’s a fight that we want to fight because it’s the fight that the fans will enjoy and that’s what we want,” dagdag ni Roach na nagsabing itataya din ni Pacquiao ang kanyang WBO welterweight crown.

“It will be at 147. No catchweight,” wika niya sa fighthype.com.

ANTONIO MARGARITO

BEN THOMPSON

BOB ARUM

CARLOS MANUEL BALDOMIR

CLOTTEY

DALLAS COWBOYS STADIUM

DAVID DIAZ

FLOYD MAYWEATHER JR.

PACQUIAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with