RP Patriots laglag sa KL Dragons
KUALA LUMPUR, Malaysia --Natuklasan na ng Kuala Lumpur ang tamang daan upang wakasan ang two-game losing skein sa Philippine Patriots nang payukurin nila ito sa 77-59 noong Sabado sa 1st ASEAN Basketball League sa MABA Gym dito.
Ang masama nito, ang Filipino reinforcements na sina Rudy Lingganay at Roel Hugnatan ang naging sandata ng Dragons nang nagsagawa ng clutch basket sa crunch time upang ipalasap sa Patriots ang kanilang ikalawang sunod na kabiguan sa 6-team, home-and-away regional tournament.
Binanderahan ni Lingganay ang Dragons sa kanyang kinamadang 14 puntos habang nagdagdag naman ng 13 markers si Hugnatan kontra sa malalaking tao ng Patriots.
Ito ang pinakamalaking panalo ng Dragons na naglaro sa buong laban ng may isang import lamang matapos mapatalsik si Chris Kuete Lonichi may 6:12 pa ang nalalabi sa ikalawang quarter nang pumasok ito sa loob ng court na nakipag-away nang magkasagutan sina Dino Daa at local cager Yoong Jing-kwaan.
“The players just did what they had to do for this game offensively and defensively. We also shot well this time,” masayang wika ni Dragons coach Cheng Huat Goh.
Ito ang ikalimang panalo ng host team sa 12 asignatura at manatiling nasa kotensiyon para sa posibleng upuan sa semifinals.
Sa kabilang dako, ang ka-biguan ng Patriots--ikaapat sa kabuuang 13 laro-- ay naglagay sa kanilang kampanya sa No. 1 ay naglaho na.
Kung magtatapos ang Patriots sa triple round robins na katabla ang Singapore Slingers, No. 2 ang kanilang ookupahan dahil hawak ng Singapore ang 2-1 bentahe sa kanilang head-to-head battle.
KL Dragons 77 - Lingganay 14, Hugnatan 13, Brown 13, Bandaying 9, Loh 9, Chai 8, Kuete 5, Chee 4, Batumalai 2, Yeo Seng 0, Koh 0.
RP Patriots 59 - Dixon 19, Wainwright 12, Alcaraz 10, Powell 5, Sta Maria 4, Acuna 3, Andaya 2, Daa 2, Baclao 2, Ybanez 0, Coronel 0, Espiritu 0.
Quarterscores: 21-10; 44-32; 52-51; 77-59.
- Latest
- Trending