Roddick hahamunin si Stepanek
BRISBANE, Australia -- Si top-seeded Andy Roddick ang siyang hahamon sa nagdedepensang si Radek Stepanek sa finals matapos igupo si fourth-seeded Thomas Berdych ng Czech Republic, 1-6, 6-3, 6-4, sa Brisbane International tournament.
Nangailangan ang 27-anyos na si Roddick ng dalawang oras at walong minuto upang talunin si Berdych sa kanilang semifinal match.
Mula sa kabiguan sa kanyang dalawang serbisyo, nahulog si Roddick sa 0-5 sa first set bago kunin ang 3-0 lamang sa second set mula sa isang service break kay Berdych.
Matapos kunin ang 5-4 abante sa third set, hindi na nilingon pa ni Roddick si Berdych para tuluyang makatagpo si Stepanek sa finals.
"I like to confuse and conquer sometimes," biro ni Roddick sa kanyang pagkatalo kay Berdych sa first set. "I didn't feel like I was hitting the ball that badly, but he played really well."
Tinalo naman ni Stepanek si Frenchman Gael Monfils, 6-2, 6-1, sa kanilang semifinal game.
- Latest
- Trending