Ginebra lumakas ang tsansa sa semis

MANILA, Philippines - Lumakas ang tsansa ng Ginebra sa outright semifinal slot matapos hatakin ang 93-90 panalo laban sa Alaska sa pagdako ng aksiyon ng PBA Philippine Cup sa Batangas City Sports Complex kahapon.

Ito ang ikatlong sunod na panalo ng Gin Kings na nabaon ng 10-puntos ngunit humataw sa second half sa pangunguna ni Cyrus Baguio na tumapos ng 20-puntos upang makalayo tungo sa ika-11-panalo sa kabuang 17-laro na nagbigay sa kanila ng solong ikatlo sa likod ng lider na San Miguel kasunod ang Alaska na lumasap ng ikalawang sunod na talo at bumagsak sa 11-3 record.

Okupado na ng San Miguel Beer ang una sa dalawang outright semifinal slots.

Kailangang ipanalo ng Alaska ang dalawa sa hu-ling apat na laro upang makuha ang huling automatic semis slot na habol din ng Ginebra.

Kailangang ipanalo ng Ginebra ang huling asignatura kontra sa Barako Bull upang magkaroon ng tsansa ang outright semis slot at manalanging malasin ang Alaska sa kanilang mga huling laro.

Mapapasabak ngayon ang Talk N Text kontra sa kulelat na Barako Bull sa alas-6:30 ng gabi pagkatapos ng sagupaan ng Rain Or Shine at Purefoods sa alas-4:00 ng hapon.

Ginebra 93 -- Baguio 20, Tubid 17, Intal 15, Wilson 11, Cruz 9, Salvacion 6, Menk 6, Mamaril 4, Villanueva 3, White 2.

Alaska 90 -- Miller 29, Devance 13, Dela Cruz 13, Tenorio 11, Thoss 8, Hugnatan 6, Borboran 5, Fonacier 3, Cariaso 2, Sotto 0.

Quarterscores: 18-25; 34-44; 62-61; 93-90.

Show comments