^

PSN Palaro

San Miguel Beer umusad na sa semis

-

MANILA, Philippines - Nakasiguro ang San Miguel Beer ng ikaapat na sunod na semifinal stint matapos ang 94-85 pa-nanalasa kontra sa Barako Bull, sa pag-usad ng KFC PBA Philippine Cup sa Cuneta Astrodome kagabi.

Matapos itala ang ikaapat na sunod na panalo at ika-13 sa kabuuang 16-laro, nakasiguro ang Beermen sa top-two slots na bibiyayaan ng outright semis slot pagkatapos ng eliminations.

“It’s good that naka-outright semis kami, but we have to iron things out. We can’t be satisfied after getting into the semis. But we still need to cover the thing we need to cover and try to figures ways how to stay in shape.”

Pinangunahan ni Arwind Santos ang Beermen na ilang beses lumayo ng mahigit sa 20 puntos, sa pagkamada ng 29-puntos bukod pa sa 12 rebounds upang ipalasap sa Bulls ang ika-11 sunod na kabi-guan na nagdiin sa kanila sa kulelat na posisyon tag-lay ang 2-13 record na at nanganganib masibak sa kontensiyon.

Matapos maibaba ng Barako Bull ang kanilang agwat sa halftime, muling lumayo ang Beermen sa 63-46 sa ikatlong quarter matapos ang 16-5 produksiyon ngunit itinodo ng Bulls ang paghahabol sa fourth quarter ngunit nakalapit lamang sila ng hanggang 83-89 papasok sa hu-ling dalawang minuto ng labanan na hindi na nila nasustinihan.

Agad umabante ang Beermen sa 25-4 kalama-ngan kabilang ang 15-0 run sa kaagahan ng laro, bago itala ang 22-point lead sa 32-10 at ang huli sa 37-15 sa ikalawang quarter.

Habang sinusulat ang balitang ito, naglalaban pa ang Burger King (5-10) at Sta. Lucia (8-6) kung saan hangad ng Realtors na manatiling nasa kontensiyon para sa outright semis slot.

Samantala magpapatuloy ang aksiyon sa Batangas City kung saan maghaharap ang Ginebra (10-6) at Alaska (11-2) sa alas-5:00 ng hapon sa Batangas City Sports Complex.

Target ng Aces na makasiguro ng playoff para sa huling outright semis slot na siya ring hinahabol ng Ginebra.

San Miguel Beer 94 - Santos 29, Cortez 18, Washington 15, Hontiveros 10, Villanueva 7, Miranda 7, Custodio 4, Peña 3, Tugade 1, Eman 0, Racela 0, Pennisi 0.

Barako Bull 85 - Menor 16, Duncil 16, Dimaunahan 16, Crisano 11, Reyes 8, Aljamal 7, Hubalde 4, Belano 3, Alonzo 2, Najorda 2, Faundo 0, Lao 0.

Quarterscores: 32-10, 47-41, 74-62, 94-85.

vuukle comment

ARWIND SANTOS

BARAKO BULL

BATANGAS CITY

BATANGAS CITY SPORTS COMPLEX

BEERMEN

BURGER KING

CUNETA ASTRODOME

GINEBRA

MATAPOS

SAN MIGUEL BEER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with