^

PSN Palaro

Pacquiao-Clottey naman ang inaayos

- Mae Balbuena -

MANILA, Philippines - Isang araw matapos na ihayag na hindi na matutuloy ang labang Manny Pacquiao at Floyd Mayweather Jr., lumabas naman na hindi na si Yuri Foreman ang makakalaban ng Pinoy superstar kundi si Joshua Clottey na.

Pormal na tinanggihan ni Freddie Roach, ang American trainer ni Pacquiao at ng Canadian adviser na si Michael Koncz si Foreman bilang kasunod na makakalaban ng Pinoy superstar, ayon sa uat ng badlefthook.com.

Inihayag ng Top Rank sa kanilang Facebook page na idedepensa ni Pacquiao ang kanyang WBO welterweight title sa Marso 13.

"Manny's concerned about Foreman's height. We'll go through the entire (welterweight and junior welterweight) categories and see what we can Gayunpaman, hindi pa tiyak ang Marso 13 na laban ni Pacquiao kay Clottey na nakatakda sa-nang laban nito kay Mayweather sa MGM Grand at maaari ding sa Marso 20 kung saan nakatakda naman itong lumaban sa Thomas & Mack Center.

"I am disgusted," ani Murray Wilson na manager ni Foreman. "Manny fought Oscar de la Hoya, beat him so badly he put him into retirement, and Oscar’s (a) half inch shorter than my guy Yuri is.

"I told them to go f**k themselves. Here was a chance for Pacman to try for a record eighth weight division world title and they don’t want it now. All of a sudden, Yuri is too tall. Let them go to Ringling Brothers, Barnum & Bailey Circus and find a midget for him to fight then."

Interesado din si Pacquiao na makalaban si Paulie Malignaggi ngunit tinatarget na siya nga-yon ni Floyd Mayweather Jr., at nakakalamang si Mayweather dito dahil ang Golden Boy at Lou DiBella (ang promoter ni Malignaggi's ) ay nagkatrabaho na sa huling dalawang laban ni Paulie.

Pumapapel din si WBO junior welterweight (140 pounds) king Tim Bradley.

"The real question is what about Tim Bradley," wika ng 26-year-old titlist 25-0 na may 11 knockouts ay kilala bilang, "The Desert Storm."

"In fact, that should be the headline to all of this right now,”

Samantala, nagpalabas ng order si retired judge Daniel Weinstien na para sa Top Rank at kay Manny Pacquiao na itama ang mga maling pahayag ng mga ito ukol sa nabigong mediation kung saan sinisisi ng Team Pacquiao si Mayweather.

Sinabi ni Weinstien na confidential ang meeting kaya hindi dapat sila nagkomento o nagbigay ng anumang impormasyon.

BAILEY CIRCUS

DANIEL WEINSTIEN

FLOYD MAYWEATHER JR.

MARSO

MAYWEATHER

PACQUIAO

TIM BRADLEY

TOP RANK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with