Kampo nina Pacquiao at Mayweather bawal nang magsalita
MANILA, Philippines - Wala pa ring linaw ang proposed megafight sa pagitan nina Floyd Mayweather at Manny Pacquiao matapos ang halos siyam na oras na meeting noong Martes ng kanilang mga representatives at isang mediator, na si retired federal judge Daniel Weinstein, ayon sa boxingfanhouse.com.
Naunang dumating sina Top Rank Promotions CEO Bob Arum at ang kanyang stepson na si Top Rank president Todd duBoef, sa Santa Monica office ni Weinstein ng Judicial Arbitration and Mediation Services (JAMS) kasama ang ilang members ng legal representation ng magkabilang kampo.
Sinabi ni Arum, promoter ni Pacquiao, kay David Whitley ng FanHouse na nasa Santa Monica, na sinabihan ni Weinstein na walang puwedeng magkomento.
Sumunod na dumating sina, Oscar De La Hoya, president ng Golden Boy Promotions, at Golden Boy CEO Richard Schaefer na may mga kasama.
Nagsimula ang meeting sa alas-9:30 ng umaga local time at natapos bandang alas-6:00 ng gabi bago lumitaw sina Arum at duBoef.
Ngunit di malinaw kung tuloy na ang negosasyon.
Nagsampa si Pacquiao ng defamation of character at humihingi ng danyos na nagkakahalaga ng $75,000, at sinasabi niyang sinira ng kampo ni Mayweather ang kanyang reputasyon sa pagpipilit ng randomly drug-tested gamit ang urinalysis at blood testing.
Naisampa ang kaso noong Miyerkules kung saan hiling ang compensatory at punitive damages mula kina Schaefer at De La Hoya ng Golden Boy Promotions, gayundin kina Floyd Mayweather Jr., Floyd Mayweather Sr., at ang tiyuhin ng boxer na si Roger Mayweather.
Nagpakumbaba ang Mayweather's camp, na sinasabi ni Pacquiao na nag-akusa sa kanyang gumagamit ng steroids, na noong una ay nais ang Olympic-style, random blood-testing na gagawin ng United States Anti-Doping Agency.
Wala pa kina Pacquiao at Mayweather ang nag positibo sa anumang banned substances, ngunit hindi pa nagagamit sa kanila ang blood-testing procedure -- random o hindi -- para matukoy ang illegal drug use sa boxing.
Sinabi ni Arum na handa siyang ihayag ang pangalan ng newly-crowned, WBA junior middleweight (154 pounds) champion, Yuri Foreman (28-0, eight KOs), na susunod na kalaban ni Pacquiao na posibleng mangyari sa March 20 sa Thomas & Mack Center sa Las Vegas.
- Latest
- Trending