Magbabalik na si Caguioa hahatakin ang Ginebra
MANILA, Philippines - Magandang buksan sa panalo ang taong 2010 at ito ang nais ng apat na teams na maglalaban-laban ngayon sa pagpapatuloy ng aksiyon sa KFC PBA Philippine Cup na magpapatuloy ngayon sa Araneta Coliseum.
Sa unang game day ng 2010, magsasagupa ang defending champion Talk N Text at ang crowd favorite Barangay Ginebra sa tampok na laro sa triple bill ngayon pagkatapos ng sagupaan ng Sta. Lucia at Rain Or Shine sa alas-5:00 ng hapon.
Maganda ang simula ng taon para sa Ginebra dahil magbabalik na ang isa sa kanilang key player na si Mark Caguioa pero hindi pa rin makakalaro si Jayjay Helterbrand.
Ni-reactivate si Caguiao kahapon na matagal nang di nakalaro sa Ginebra matapos sumpungin ang kanyang mga naoperahang tuhod.
Dahil patapos na ang eliminations, nagpupuwestuhan na ang mga teams at importante ang panalo sa lahat ng teams sa kanilang mga natitirang laro.
Hinahabol ng Tropang Texters at ng Ginebra ang awtomatikong semis slots na ipagkakaloob sa top two team pagkatapos ng eliminations.
Nakapuwesto na ang Alaska (11-2) at San Miguel (12-3) sa top two positions ngunit di nalalayo ang Talk N Text na may 10-5 kartada at nananatiling may pag-asa sa outright semis slot kung maipapanalo nila ang huling tatlong laro.
Taglay naman ng Ginebra ang 9-6 record katabla ang Purefoods at may tsansa pa rin sa outright semis slot kung maipapanalo nila ang hu-ling tatlong games nila.
Wala nang pag-asa sa top two spots ang Sta. Lucia na may 7-6 record ngunit kailangan nilang manalo para lumakas ang tsansa sa no. 3, 4 at 5 slots na bibiyayaan naman ng awtomatikong quarterfinal slots para makaiwas sa no. 6, 7, 8, 9 positions na dadaan sa wild card phase para paglabanan ang ikaapat at huling quarterfinals berth.
Ang kulelat na team ay masisibak kaya ha-ngad ng Rain Or Shine ang ikalawang sunod na panalo upang maiangat ang 4-10 record.
Tangka ng Talk N Text ang ikatlong sunod na panalo at maduplika ang 87-72 panalo noong Nov. 25 sa unang pagkakataong nakaharap ang Ginebra na inaasa-hang pagsasamantalahan ng Tropang Texters ang pagkawala ng kani-lang mga key players na sina Junthy Valenzuela at Jayjay Helterbrand.
Mauuna rito, sasagupain ng Purefoods ang guest team na Smart Gilas sa no bearing game sa alas-2:30 ng hapon.
- Latest
- Trending