Milo Checkmate naghahanap ng players para sa US chessfest
MANILA, Philippines - Walong Milo Checkmate players ang lalahok sa final selection ng team na tutungo sa Amerika simula alas-10:30 ng umaga ng Enero 9 sa Lower 2F ng St. Francis Square sa Mandaluyong City.
Ang walong players, na nakaligtas sa qualifying tournaments sa kani-kanilang age groups ay sina Al Mathew Canafe, Judino Tadeo Macayan, Stephen Kyle Cinco, Richmond Obogne at Jonathan Abo (12-under) at Stella Aquino, Roselle Vicencio at Reu Sebolino (juniors).
Limang slots pa ang paglalabanan--tatlo mula sa 12-under at dalawa sa junior division.
Seeded na sa team sina 13-year old Malcolm Kwok, 15-year old Claudio Olar Jr. at 14-year old Carmella Galve.
Samantala, muling nagningning ang mga Checkmate enrollees sa international meets. Nanguna ang 6-year old na si Stephen Rome Pangilinan sa 8-under division ng 2009 Susan Polgar's World Open Girls and Boys na ginanap sa Las Vegas habang ang 12-year old Gino Cabual ay pumangatlo sa Unrated section ng Las Vegas International Chess Festival.
Nagningning din sina Kevin Anthony Sicat at Daniel Lopez sa katatapos na Melbourne Chess Club Weekender Cup, kung saan ang biyahe nila ay suportado ng PHIMCO Industries Inc., Cavacon Corporation, Claret School of Quezon City at Special Science Class '75 Quezon City chapter.
- Latest
- Trending