MANILA, Philippines - Marami na ang nagkaka-interes sa open tryouts ng Nokia RP U-18 team na gaganapin sa Enero 4 , bandang alas-5 ng hapon sa PhilSports Arena sa Pasig City.
Ito ang ipinahayag ni Nokia RP head coach Eric Altamirano.
Nilinaw din ni Altamirano na maaaring lumahok ang mga aspiranteng ipinanganak pagkatapos ng 1992, basta makapasa lamang sila sa koponan na lalahok sa Fiba Asia U-18 Championship for Men sa Setyembre sa susunod na taon.
Sinabi rin niya na ang pagbabago ay dahil sa pangunahing commitment ng Samahang Basketbol ng Pilipinas na pinamumunuan ni Manny V. Pangilinan at executive director Noli Eala sa youth basketball program na may suporta ng Nokia Philippines at TAO Corporation.
“We were receiving a lot of queries about the upcoming tryouts. And much of the credit goes to the SBP for its commitment to make the youth program stronger and make it the backbone of the Philippine basketball program,” aniya. “The under 16 and under 18 teams in particular benefited from the support of Nokia Philippines and TAO Corporation,’ dagdag pa ni Altamirano.
Sinabi rin ni Altamirano na kailangan niya ng tulong na kanyang makukuha sa pagbuo ng koponan at tinatawagan ang lahat ng mga Pinoy na hikayatin ang mga batang players lalo na ang mga kapitbahay nila upang dumalo sa tryouts.