Pinas magho-host ng 2010 Asian Continental chessfest
MANILA, Philippines - Sa hangad na maipagpatuloy ang produktibong taong 2009, iho-host ng National Chess Federation of the Philippines (NCFP) ang hindi bababa sa dalawang major international chess tournaments sa Subic sa papasok na taong 2010.
Ayon kay NCFP president/chairman Prospero “Butch” Pichay magiging punong abala ang bansa sa 2010 Asian Continental Individual men’s and women’s championships sa April 20-30 at ang ASEAN age-group chess tournament sa June 4-13 na kapwa idaraos sa Subic Exhibition and Convention Center.
Hindi bababa sa US$55,000 cash prizes ang nakataya sa Asian Individual Championships-- US$40,000 sa men’s division at US$15,000 sa women’s category.
Ang tatanghaling kampeon sa men's division ang mag-uuwi ng top prize na US$6,000.
“The year 2009 was a very good year for Philippine chess, especially with GM Wesley So earning a lot of respect from the international community,” ani Pichay.
“But we believe the coming year could even be bigger with the country again hosting the Asian Individual Chess Championships and the ASEAN age-group chess tournament,” dagdag pa ni Pichay, na plano ring mag-host ng hindi bababa sa limang international upang mabigyan ang mga Pinoy chessers ng kinakailangang exposure.
Inaasahan ni Pichay na lalahok ang mga top players mula sa buong Asia sa nine-round competition na kinukunsiderang pinakamalaking chess competition sa rehiyon.
Bukod sa malaking premyo na nakataya sa 2010 Asian Championships, nakataya rin ang apat na slot para sa 2011 World Chess Cup na nakatakda sa Khanty-Mansiysk, Russia.
Ito ang ikatlong pagkakataon sa apat na taon na ang bansa ay magho-host ng Asian Individual Championships sa ilalim ng liderato ni Pichay at secretary-general at Tagaytay City Mayor Abraham 'Bambol' Tolentino.
- Latest
- Trending